ewan

Alam mo yung feeling na ang daya ng tao sayo? Yung tipong dati-rati, ikaw yung nagmamahal sa kanya, ikaw yung nag-tiis ng putanginang ugali nya at minahal mo ng sobra tapos mas higit pa yung ginagawa nya sa bago nya ngayon? Nakakalungkot na nung ikaw yung taong andun para sa kanya sa ugali nyang walang ibang inisip kundi sarili nya, wala syang ginawa kung hindi balewalain ka lang. ang sakit sakit na kinailangan pang mapalitan ka para lang umayos sya. Putangina naman. 

Kung sabagay, ganun siguro yun. Hindi naman lahat ng tao mamahalin ka ng kasing higit ng pagmamahal mo sa kanya. Kaya siguro napagod ako. Kasi pakiramdam ko noon, ako nalang ang nagmamahal. Kaya nawalan ng saya, napuno ng pangamba. 

Ngayong nakikita ko na na masaya na siya, na gumagawa na siya ng effort para sa bago nya ngayon, sana masabi ko na masaya ako para sa kanila, para sa kanya. Pero hindi. Ang sama-sama kong tao kasi gusto ko na kung masaya siya, dapat ako din masaya. Ang sakit isipin at makita na andiyan na sa kanya yung taong mamahalin nya ng tunay samantalang ako, andito parin, nanglilimos ng pagmamahal, naghahanap parin. Ang daya-daya ng buhay. Hindi patas kung mangpana si Kupido. Dapat ako din hanapan nya ng pares. 

Sa ngayon, iniisip ko nalang na kaya hindi pa dumadating ang para sa akin, ay dahil nahihirapan si Kupidong maghanap. Naaalala ko noon, nung dalawang buwan pa lang kaming nagkahiwalay nagsimba at nagdasal sa Diyos na kung may dadating man sa buhay ko, sana yun na yun. Sana sya na yung mamahalin ko ng lubos and mamahalin din ako ng higit pa. Na sana, maging masaya na ako.

Dumaan ang limang buwan, sampung buwan at ngayon mag-iisang taon na, andito parin ako naghihintay. Ang sarap ngang bawiin yung dasal ko kay Lord eh. Kasi ang tagal ko nang nalulungkot, ang tagal ko nang naghihintay. Gusto ko nang magmahal ulit at mahalin. 

Atat noh? Sorry ha hahaha 

Popular Posts